NATAGPUAN

By: Hope Filipino Worship

Verse 1:

Ang tinig Mo ay aking hanap-hanap
Sa gitna ng bawat takot at paghihirap
Sa kabila ng aking pagkukulang
Katapatan Mo O Diyos tanging laan


Pre-Chorus:

Sa puso at damdamin
Ika'y mananatili
Walang hanggan
Ang alay Mong pag-ibig


Chorus 1:

Natagpuan
Ng Iyong pag-ibig na dakila
Doon sa krus
Ako'y Iyong pinalaya
Hesus ako'y aawit
Ng walang hanggang pagpupuri
Ang puso ko'y sa'Yo iaalay


Verse 2:

Panginoon Ikaw ang kaagapay
Kabutihan Mo saki'y di nag kukulang
Panginoon Ikaw lang ang kailangan
Magpakailanman sa'Yo ako'y mananahan


Pre-Chorus:

Sa puso at damdamin
Ika'y mananatili
Walang hanggan
Ang alay Mong pag-ibig


Chorus 1:

Natagpuan
Ng Iyong pag-ibig na dakila
Doon sa krus
Ako'y Iyong pinalaya
Hesus ako'y aawit
Ng walang hanggang pagpupuri
Ang puso ko'y sa'Yo iaalay


Bridge: - (2X)

Hangad ko lang
Ay mamalagi sa presensya Mo
Natagpuan
Ako'y binago ng pag-ibig Mo
Hangad ko lang
Ay mamalagi sa presensya Mo
Luwalhatiin ang pangalan Mo


Chorus 2:

Ako'y natagpuan
Ng Iyong pag-ibig na dakila
Doon sa krus
Ako'y Iyong pinalaya
Hesus ako'y aawit
Ng walang hanggang pagpupuri
Ang puso ko'y sa'Yo


Bridge:

Hangad ko lang
Ay mamalagi sa presensya Mo
Natagpuan
Ako'y binago ng pag-ibig Mo
Hangad ko lang
Ay mamalagi sa presensya Mo
Luwalhatiin ang pangalan Mo


Tag:

Luwalhatiin ang pangalan Mo
Luwalhatiin ang pangalan Mo